Sunday, February 13, 2011

I wrote

I wrote a poem
while I think of you.
I wrote a song,
that I'll sing for you.

I wrote a story,
that's beyond the blue.
I wrote your name,
that can't be erase.

I wrote a letter,
to express my heart.
I wrote an article,
that will entertain you.

I wrote an essay,
and the idea is you.
I wrote everything,
everything about you.


copyright@2010-Maria James.All Rights Reserved.

Wednesday, January 19, 2011

Paalam Kaibigan

Isang masamang balita ang dumating noon isang araw lang, masakit man pero kelangan tanggapin ito para mapagpatuloy ang buhay. Last year noon muli namin sya nakita galing US. Isa syang guro, pero kailangan nya mag-trabaho sa ibang lugar para sa pamilya nya. Isang malakas na tao na palaging inuuna ang iba para lang makatulong. Ika nga isa sya sa mga biyaya na pinagkaloob ng Dyos!

Martes ng umaga ng mapansin ng nanay ko na nag-iiyakan ang kaanak nya sa bahay nila dito sa Pilipinas(syempre). Hangos na umuwi ang aking ina upang itanong sa akin kung mayroon bang nangyari sa Louisiana, USA kung saan nakadestino ang napakalapit na kaibigan ng aking pamilya. Dahil ako lang sa magkakapatid ang mahilig sa internet, magbasa at makibalita sa buong mundo, ako ang halos nilalapitan basta usaping tungkol sa ibang lugar. Tinanong ko kung bakit nya natanong, sinabi nya sa akin ang dahilan at sinagot ko sya na "wala naman ako nabasa sa internet tungkol sa lugar na iyon or kahit anong trahedya".

Sinubukan ko i-google yun, baka sakaling hindi ko lang napansin at pati na rin ang yahoo search dinamay ko. Wala talaga! Bumangon ang kuya ko dahil ang ingay ng nanay, nagtanong sya(syemrpre) at sinabi ng ina ko ang sinabi nya sa akin sabay hiling sa kuya ko kung pwede nya i-text si Kuya Edgar. Agad kaming nakatanggap ng sagot at ang sabi may nangyari daw sa asawa nya. Hindi kami tiyak noon mga oras na iyon kung ano ba talaga ang mga nangyayari. Hanggang malaman namin kung ano ang nangyari, lahat kami umiyak-- ramdam ang panghihinayang, awa para sa mga maliliit nyang anak na naiwan dito sa Pilipinas, at kalungkutan na mawalan ng isa pang-napakabait at malapit na kaibigan.

Dalawang buong araw yata ako umiyak, hindi ko matanggap. Sa lahat kasi ng tao na pwedeng mangyari ang ganun bagay, sa kanya pa! Isang mabait, matatakbuhan, mapagkumbaba, matulungin at makapamilyang tao. Wala syang hinangad kundi mapabuti ang kalagayan ng kanyang pamilya. Tiniis ang pagkakalayo sa mga ito para lamang mabigyan sila ng magandang bukas.

Umiiyak parin ako pagbinibisita ko ang kanyang profile sa facebook, ramdam na ramdam ko ang mga mensaheng pino-post ng mga taong kilala nya- Dalamhati at hinagpis. Bakit? Bakit nangyari sa kanya yun? Bakit sya pa? Pero ng binalikan ko ang kanyang huling facebook wall status doon mas lalong luminaw ang lahat. Ito ang sabi nya "Here I am Lord, I come to do your will.Amen". God's will nga siguro yun, dahilan nalang ang aksidente. Nakita ko sa internet ang hitsura ng warak na harap ng SUV na sinasakyan nya. Unang tingin palang masasabi mo na wala talaga makakaligtas sa ganun na kalagim na pangyayari. Kung masakit para sa akin ang nangyari yung sa kanya, paano pa kaya para sa kanyang pamilya at asawa???

Sana masaya na sya sa piling ng Dyos. Kahit papaano hindi nasayang ang buhay nya. Namuhay sya ng desente at naging modelo ng ibang tao tulad ko. Hindi ko makakalimutan ang kabaitan na ipinakita nya sa aking pamilya lalo na sa aking ama. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ang bagama't maliit na tulong ngunit malaki para sa amin na halos mawalan ng pag-asa.

Paalam mahal namin kaibigan... Isa ka sa magandang bagay na pinahiram ng Dyos sa amin. Ngayon na bumalik kana sa kanyang tabi, sanay masaya kana sa piling nya ngayon. Hangad namin ang iyong katahimikan..... Mahal ka namin lahat at hindi ka namin makakalimutan..........

-------------------
Fatal Car Accident

Breaux Bridge Police Release Names in Deadly I-10 Crash